Ex-world’s “poorest president”, nakalunok ng tinik ng isda; sumailalim sa surgery

Nakauwi na si Uruguay’s leftist ex-president Jose Mujica matapos na sumailalim sa surgery makaraang malunok ang tinik ng isda.

Si Mujica, 85, ay unang isinugod sa ospital matapos umanong bumara sa kanyang lalamunan ang malaking tinik ng kinaing isda.

Ayon sa report, wala namang nakitang foreign object sa lalamunan ng dating pangulo sa isinagawang procedure ngunit nag-iwan naman ng injury sa esophagus nito ang tinik.

Sa ngayon ay nakakakain nang muli si Mujica matapos ang operasyon.

Si Mujica, former guerilla fighter ay kilalang world’s poorest president noong siya ay nanunungkulan pa magmula noong 2010-2015.

Minahal siya ng tao dahil sa kanyang simpleng pamumuhay kahit na isang pangulo na.

Ibinibigay nito noon ang kanyang sahod sa mga nangangailangan at madalas na makikitang sakay sa kanyang lumang Volkswagen Beetle. | AFP. Mike Salgado

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *