World’s smallet portable toilet, naimbento ng isang kompanya sa Japan

Japan—  Patuloy ang pag usbong ng mga makabagong imbensyon ngayong taon na mas magpapadali sa pang araw-araw na buhay at gawain ng mga tao.

Sa bansang Japan, inilunsad kamakailan ng kompanyang Konekawa Inc. ang kinikilala ngayon bilang “World’s Smallest Portable Toilet.”

Ayon kay Yoshinori Konekawa – CEO ng naturang kompanya, ang pag imbento ng maliit at portable na palikuran ang kanya umanong naisip matapos ang naranasang kakulangan at mahabang pila sa banyo ng mga evacuees matapos salantain ng bagyong Hagibis ang Nagano Prefecture sa nasabing bansa.

Dahil sa insidente, sinikap ng kanilang kompanya na makagawa ng “Pocket toilet” na maniwala ka man sa hindi ay kasyang-kasya sa bag, wallet at maging sa bulsa.

Ang Pocket toilet ay anyong “bag” na gawa mula sa durable plastic at fibers na nagtataglay ng kemikal na kung tawagin ay “coagulant” na siyang dahilan upang hindi mangamoy ang dumi ng tao na sasaluhin nito.

Marami na ang tumatangkilik sa nasabing produkto habang nag donate na rin ang nabanggit na kompanya ng mga pocket toilets sa bansang Ukraine na kasalukuyang may nagaganap na tensyon.### JDR, BNFM Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *