Would-be-couples na sumailalim sa Pre-marriage orientation, bumaba ngayong taon

Bumaba ng hanggang walong beses ngayong taon ang bilang ng mga would-be-couples na sumailalim sa pre-marriage orientation ng Commission on Population and Development Region 2.

Sa natanggap na impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa POPCOM Region 2, nakapagtala lamang ng 374 na bilang ng would-be-couples ang sumailalim sa first quarter ng PMO ngayong taon batay sa ulat ng mga local government unit sa bawat lunsod at munisipalidad sa rehiyon.

Ang nasabing mga magkasintahan ay nasa edad 18-19 anyos lamang.

Ayon pa sa datos ng POPCOM Region 2, nasa lima hanggang walong beses itong mababa kumpara sa datos noong 2019 na may 2,689 at 2020 na nasa 1,550 sa parehong quarter.

Kaugnay dito, isa sa nakikitang dahilan ng pagbaba ay ang epekto umano ng pandemya kung saan napagdesisyunan ng mga magkasintahan na ipagpaliban muna ang kanilang kasal.

Magugunita na ang Pre-Marriage Orientation ng POPCOM Region 2 ay isang seminar para sa mga magiging mag-asawa bago ang kanilang opisyal na kasal.

PHOTO| POPCOM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *