WPS, gustong gawing ‘Greater West Philippine Sea’

Bagama’t magada man ito pakinggan, naniniwala ang Department of Foreign Affars na ang pagbago sa termino ng West Philippine Sea bilang “Greater West Philippine Sea” ay maaring hindi kilalanin sa buong mundo.

Ito’y matapos imungkahi ni Senador Francis Tolentino na baguhin ang pangalan ng WPS upang higit pang pagtibayin ang mga karapatan ng bansa sa soberanya.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega, hindi nilang sasabihing hindi ito pwede ngunit baka hindi lang ito kilalanin ng ibang bansa, tulad ng hindi pagkilala sa terminong “West Philippine Sea” katulad sa mga foreign maps.

Kung sa internal na usapin daw lamang, naniniwala si de Vega na magandang pakinggang ang “Greater West Philippine Sea.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *