Xi: China at Pilipinas dapat pairalin ang ‘friendly consultations’ re: South China Sea dispute

Hinimok ni Chinese President Xi Jinping si President Bongbong Marcos na maayos na hawakan ang pagkakaiba-iba at disputes sa South China Sea sa pamamagitan ng “friendly consultations.”

Sa kanilang unang bilateral meeting sa sidelines ng katatapos palang na Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) leaders’ meeting sa Bangkok, Thailand, sinabi ni Xi kay Marcos na handa umano ang Beijing na mapanatili ang regular na kumunikasyon sa Manila at patuloy na ia-accommodate ang mga concerns.

Binigyang diin din ni Xi na dapat magtulungan ang parehong bansa para matiyak ang peace at stability sa rehiyon, mabasura ang unilateralism at acts of bullying, madepensahan ang pagiging patas at hustisya.

Una nang inakusahan ng China ang United States ng umano’y pambubully na sinubukan umanong i-hijack ang suporta ng Asia-Pacific countries laban sa Beijing sa ilalim ng multilateralism.

Matatandaan na noong 2016, kinilala ng international arbitral tribunal sa The Hague ang sovereign rights ng Pilipinas sa mga areas na pasok sa exclusive economic zone na inaangkin ng China. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *