Xi Jinping ginawaran ng ikatlong 5-yr term bilang pangulo ng China

Karagdagang five-year term bilang pangulo ang iginawad sa kasalukuyang Pangulo ng China na si Xi Jinping kahapon.

Ito ay kasunod ng pag-endorso ng ceremonial National People’s Congress kay Xi bilang pangulo.

Ang ruling Communist Party ay napuno na ng mga taga-suporta ni Xi mula nang maupo ito sa pwesto noong 2012.

Sa naturang botohan, lumabas na 2,952 sa NPC ang pabor na gawaran ng ikatlong termino si Xi, habang wala namang kumontra laban dito.

Si Xi ay pangangalanang party general secretary sa ikatlong five-year term sa Oktubre.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *