Xian Gaza planong kasuhan ni Wilbert Tolentino?

Namumuro ngayon ang kaso na maaaring isampa laban sa pambansang marites na si Xian Gaza matapos ang kanyang bersyon ng ‘Ang Rebelasyon’ sa nagpapatuloy na isyu at siraan ng mga Pinoy vloggers.

Sa kanya kasing Facebook video, inispluk nito ang umano’y pagkakasangkot sa scam, extorsion, at fraud ng isang personalidad na kabilang sa isyu ng talent manager-vlogger na si Wilbert Tolentino at influencer na si Zeinab Harake.

Bagamat hindi niya direktang pinangalanan si Wilbert, sa ginawa nitong pagdepensa kay Zeinab ay tila tumutuoy ang kanyang mga alegasyon laban sa talent manager.

Tumugon na dito ang kampo ni Wilbert sa pamamagitan ni Atty Toto Causing (yes, ang abugado rin ng Pamilya Mabasa sa Lapid Slay Case) at nag-demand ng public apology kay Xian.

Inisa-isa at pinabulaanan ni Atty Toto ang lahat ng mga rebelasyon ni Xian.

Ito ay kahit na mayroon ding mga pi-nost na screenshots si Xian Gaza ng mga umano’y dating nagtrabaho sa scam operations.

Sa huli, biglang kumambyo si Xian at sinabing wala siyang direktang pinangalanan sa kanyang video.

Tineknikal niya ang legalidad sa posibleng libel na isampa sa kanya at sinabing siya ay palaging ‘three steps ahead’.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *