Xmas break sa lahat ng public school, sa Dec. 19; Class resumption, Jan. 4, 2023

Inanunsyo ng Department of Education na magsisimula ang Christmas vacation sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa, sa Dec. 19, 2022.

Batay sa DepED Order No. 34 s. of 2022 o ang “School Calendar and Activities for School Year 2022-2023,” nakasaad na magbabalik naman ang klase sa Jan. 4, 2023.

Ang SY 2022-2023 ay opisyal na nagsimula sa mga public schools noong Aug. 22.

Mababatid na ang kasalukuyang SY ay mayroong 203 school days at magtatapos sa July 7, 2023.

Para ngayon SY, sinabi ng DepED na ang remedial classes para sa mga public schools ay itinakda ring magsimula sa July 17 at magtatapos sa Aug. 26, 2023. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *