Yang dumulog sa SC upang ipawalang bisa ang arrest warrant na inisyu ng Senado

Nagpasaklolo na sa Supreme Court si Davao City-based businessman Michael Yang upang ipawalang-bisa ang inilabas na arrest order ng Senate blue ribbon committee laban sa kanya.

Sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Atty. Raymund Fortun isinumite nito ang 46-pahinang petisyon sa Korte Suprema.

Maliban sa pagpapawalang bisa sa arrest warrant, hinihiling din ni Yang na pigilan ang Senado sa pagsilip sa kanyang mga ari-arian at mga buwis.

Paliwanag ni Atty. Fortun panghaharass na lamang ang ginagawa ng Senado kay Yang sa pagsilip sa kanyang mga korporasyon sa pagbabaka sakaling makasilip ng hindi maganda at upang ipahiya sa publiko.

Iginiit ng legal counsel ni Yang na kapag pumasok na sa basic rights ng isang indibidwal na hindi na dapat pinakikialaman ng Senado lalung lalo pa kung ito’y labas na doon sa layunin ng inquiries.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *