Yassi Pressman, papasukin ang mundo ng game show hosting

Papasukin ni Yassi Pressman ang mundo ng game show hosting, na malayo sa nakasanayan niyang pag-arte sa harap ng camera.

Sinabi ng Fil-British model at actress na magiging hamon sa kanya ang pagiging isang mahusay na game show host.

Anya, lahat ng pressure ay nasa kanya na, ngunit sinabi ni Yassi na maswerte pa rin siya dahil meron mga celebrities ang maglalaro sa kanyang game show upang magsilbi bilang partners ng mga contestants.

Para naman sa hosting preparations ni Yassi ay sinabi niya na hindi siya dumaan sa workshops, ngunit nagpunta sila sa studio para mag-rehearse.

Dagdag ni Yassi, tinrato niya ang hosting na parang nagbabasa lang siya ng script upang hindi niya maramdaman na malayo ito sa kanyang pinanggalingan.

Ipinunto naman ni Yassi na pinayuhan siya ng kanyang direktor na aralin ng mabuti ang mechanics, dahil oras na makabisa niya ito, ay alam niya na ang mga dapat niyang sundan kahit ano pang kwento ang lumabas.

Humingi rin anya siya ng payo kay Robi Domingo kung saan ay sinabi sa kanya nito na i-enjoy lamang ang kanyang karanasan.

Mababatid na magsisilbi si Yassi bilang host ng Rolling In It Philippines, na ipepresenta ng TV 5, Signal TV at VIVA Entertainment.

Local adoptation ito ng No. 1 game show ng UK noong 2020, kung saan ay nakasalalay ang lahat sa swerte, isipan, at stratehiya ng contestant. (RAMAK KOWSARI)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *