Yellow corn production, palalakasin sa Batangas

Mas palalakasin pa ang produksyon ng mais sa Lalawigan ng Batangas sa pamamagitan ng pagbibigay ng ayuda at suporta sa mga magmamais.

Ito ay matapos na maaprubahan sa Sangguniang Panlalawigan (SP) ang resolusyon kaugnay sa yellow corn enhancement production program katuwang ang Department of Agriculture o DA-Calabarzon.

Sa ilalim ng memorandum of understanding (MOU) kasama ang DA-4A ay bibigyan ng corn seeds at inorganic fertilizers ang mga magmamais para magkaroon ng mas mataas na produksyon ng mais.

Layunin ng programa na suportahan ang mga egg at poultry producers sa buong probinsya para magkaroon ng sapat na suplay ng feeds o patuka sa mga alagang manok.

Sa pamamagitan ng programa ay hindi na aasa ang mga magsasaka o poultry owners mula sa ibang lalawigan sa kanilang mga feeds supply.

Malaking tulong din ito sa ekonomiya ng Batangas dahil ang demand at supply ng feeds ay iikot na lamang sa lalawigan.

Ang Batangas ay maituturing na top consumer ng patuka ng manok kung saan matatagpuan ang “Egg Basket of the Philippines”, ang bayan ng San Jose.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *