“Youth Entrepreneurship Program”, inilunsad ng DTI sa Catanduanes

Virac, Catanduanes—Inilunsad ng Department of Trade and Industry sa lalawigan ng Catanduanes ang Youth Entrepreneurship Program na naglalayong mahubog ang interes ng mga kabataan sa islang lalawigan sa industriya  ng pagne-negosyo.

Sa nasabing programa, huhubugin ang kakayahan at interes ng mga kabataan sa pag ne-negosyo sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga ito ng iba’t-ibang package of interventions na sadyang idinesenyo para mas maunawaan ng youth sector.

Presente sa paglulunsad ng nasabing programa nitong nakaraang weekend ang mga aspiring young entrepreneurs sa lalawigan; mga youth leaders mula sa iba’t-ibang organisasyon at bayan sa probinsya.

Samantala, dumalo rin sa nasabing aktibidad ang SK Federation President ng Virac na si Faye Louise Pastor at ang multi awarded Young Leader at SK Chairman ng Barangay Caragnag sa bayan ng San Andres na si Joal Cocjin.

Ang dalawang kabataang lider ang nanguna sa pagtalakay ng mga plano at konsepto  sa ilalim ng naturang programa.

Ayon sa DTI, ito ay simula pa lamang ng mas marami pang programa at proyekto na ilulunsad ng ahensya na magbebenepisyo sa mga kabataan habang siniguro naman nitong istriktong naipatupad ang health protocols sa pagsasagawa ng nasabing aktibidad.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *