Naghari sa parallel bars sa Azerbaijan leg ng Artistic Gymnastics World Cup series ang two-time world champion na si Caloy Yulo.
Humakot ang 4-foot-11 na si Yulo ng 15.400 points para talunin at makapag-uwe ng gold medal sina Illia Kovtun ng Ukraine at Bernard Cameron-Lie ng France sa third stop ng World Cup series.
Si Kovtun ang namayagpag sa parellel bars sa nasabing serye na idinaos sa Cottbus, Germany at Doha, Qatar.

Sumegunda ag 22-anyos na Pinoy gymnast sa qualifiers sa kanyang iskor na 15.333 para makabawi sa pagiging 21st-placer sa floor exercise qualification.
Ito ang ikalawang gold ni Yulo sa World Cup series makaraang magwagi sa floor exercise sa Doha, Qatar. May isa rin siyang silver at dalawang bronzes sa nasabing serye.//CA