Yulo, Obiena at Filipinas, tatanggap ng major awards sa PSA

Tatanggap ng major awards sa susunod na buwan sina World Championship medalists Carlos Yulo at EJ Obiena kasama ang history maker na Philippine women’s football team sa 2022 San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association.

Isasagawa ang awards night sa March 6.

Matatandaang , inangkin ni Yulo ang silver at bronze sa men’s vault at parallel bars ng 51st FIG Artistic Gymnastics World Championships sa England bukod pa ang kanyang gold medals sa 9th Artistic Gymnastics Cham­pionships sa Doha, Qatar

Habang nagtala si Obiena ay bagong Asian-high mark na 5.94 meters para sa historic bronze sa World Athletics Championships sa Oregon. Naghari naman si Obiena sa mga pole vault tournaments sa Europe at matagumpay na nakapagdepensa sa Vietnam SEA Games sa pagtatala ng bagong meet record na 5.46m.

Samantala, kumuha ang Filipinas ng kauna-unahang tiket para sa FIFA Women’s World Cup matapos ang third place finish sa AFC Women’s Asian Cup sa ilalim ni coach Alen Stajcic.

Kabilang rin sa gagawaran ng parangal si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz bilang Athlete of the Year award sa ikalawang sunod na pagkakataon.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *