Pinarangalan ng Probinsya ng Bulacan ang yumaong secretary ng Department of Migrant Workers Susan “Toots” Ople bilang Natatanging Dangal ng Lipi.
Itinuturing itong pinakamataas na award para sa isang Bulakenyo kung saan ginanap ito sa Hiyas Pavillion ng Bulacan Convention Center noong September 14, 2023.
Nagpahayag ng pasasalamat ang anak ni Sec. Toots para sa pagkilala ng mga nagawa ng kaniyang ina habang namamahala ito noong buhay pa siya.
Samantala, kinilala ni Vice Governor Alex Castro ang pagsusumikap at dedikasyon ng mga Dangal ng Lipi Awardees ngayong taon.