ZAMBALES- Nananawagan ang Zambales Provincial Health Office sa mga doctor, nurse, midwife, guro o kahit na anong field na nasa information technology.
Ito ay para sa mga nais na magbigay ng boluntaryong tulong o serbisyo sa ginagawang vaccination roll out.
Sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng mas maraming katuwang PHO para sa pagbabakuna kontra covid-19.
Sa mga interesado ay maaaring mag-comment sa post sa official facebook page ng Provincial Health Office o kaya naman ay tumawag sa (047) 232-2634.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO