Zamboanga City, MECQ; Tacloban City, MGCQ – Palasyo

Kinumpirma ng Malacañang na isinailalim ang Zamboanga City sa modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang sa May 15 habang ang Tacloban City ay ibinaba sa mas maluwag na modified general community quarantine (MGCQ) hanggang sa May 31.

Mababatid na ang quarantine status ng Zamboanga City ay una nang nasa MGCQ habang ang Tacloban City ay nasa ilalim ng general community quarantine para sana sa buong Mayo.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ang pagbabago sa quarantine status ay dahil sa apela ng dalawang local government units ng naturang mga lungsod.

Samantala, matatandaan na ang MECQ naman sa NCR Plus ay extended hanggang sa May 14. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *