Zelensky, pinuri ang pagsisikap na maibalik ang power generation na sinira ng mga pag-atake ng Russia

Pinuri ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang mga pagsisikap na maibalik ang power generation system na nasira ng mga pag-atake ng Russia , ngunit binalaan ang populasyon na masyadong maaga upang magdeklara ng tagumpay sa larangan ng enerhiya.

Sinabi ni Zelensky na ang mga power workers ay nakagawa ng napakagandang trabaho sa pag-aayos ng pinsalang dulot ng Russian missile at drone strikes na karamihan ay naapektuihan ng power outage noong Sabado at Linggo.

Paulit-ulit na nagsagawa ng pag-atake ang Russia sa mga energy facilities ng Ukraine sa mga nakalipas na buwan na nagdulot ng sa pagkawala ng kuryente sa milyon kataong naninirahan sa bansa at naapektuhan rin ang heating at water supplies ng mga ito sa panahon ng winter.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *