CAMARINES NORTE- Nilinaw ni Governor Edgardo Tallado na walang ipapatupad na lockdown sa Camarines Norte kasunod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa probinsya
Sa panayam ng Brigada News FM Daet sa naturang Gobernador, hindi kailangang magpatupad ng lockdown bagkus ang susundin lamang ay ang zoning containment strategy na katulad ng ipinatupad sa dalawang purok sa bayan ng San Vicente matapos na makapagtala ng ilang positibong kaso kamakailan
Ayon pa sa Gobernador, dahan -dahan lamang ang implementasyon ng ibang programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng sa gayon ay may pautay-utay na mapagkunan ng pondo kung kinakailangan para sa COVID19 operations
Hands-on ngayon ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagsubaybay sa mga reports at monitoring sa COVID-19 at tinitiyak anya nila ngayon ang pagsunod ng mga frontliners sa mga kautusan o mga protocols
Sa huli ay nanawagan si Governor Tallado sa publiko na pagibayuhin ang pag-i-ingat at patuloy lamang na sumunod sa mga health protocols dahil ang paghihigpit na ginagawa ngayon sa lalawigan ay para sa kapakanan ng lahat
