Zubiri aminadong mahihirapang itulak ang cha-cha kung walang suporta ni PBBM

Aminado si Senate President Juan Migueal Zubiri na mahihirapang itulak ang Charter-Change kung walang suiporta ni Pangulong Ferdinand Marcos.

Ginawa ni Zubiri ang pahayag habang ang Senate committee on constitutional amendments, na pinamumunuan ni Sen. Robin Padilla, ay nagsimula na sa isang nationwide consultation caravan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga pagdinig sa mga lungsod ng Davao, Baguio, at Cebu.

Ipinaliwanag ng senador na mangangailangan ng budget para amiyendahan ang Konstitusyon na manggagaling sa Department of Budget and Management.

Ayon pa sa mambabatas, kailangan ng ¾ votes o 18 senador para lumusot sa Senado ang panukala pero base sa mga nakausap niya, halos kalahati ay tutol sa charter change.

Ipinahiwatig dinn niya na pag-aaksaya lamang ng oras at mawawala ang focus ng Senado sa mga kailangang gawin kung igigiit ang Cha-cha.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *