Zubiri: ipaprayuridad ng Senado ang mga panukala na natalakay sa LEDAC kaysa sa Cha-cha

Ipaprayuridd umano ng Senador ang mga panukala na tinukoy ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC), kaysa sa pag-amyenda sa 1987 Constitution.

Giit kasi ni Senate President Juan Miguel Zubiri, na ang pag-amyenda sa Konstitusyon ay hindi kasama sa agenda ng kapulungan.

Dagdag nito, na ang panukala kaugnay sa Charter change ay hindi rin natalakay sa LEDAC meeting noong Enero.

Samantala, wala naman umanong problema kung magsagawa ng pagdinig ang Senate constitutional amendments and revision of codes ni Robin Padilla kaugnay sa naturang panukala, pero tatapusin muna ang 20 priority measures na pending sa kanila sa ngayon.

Sa huli, nilinaw ng Senate President na hindi naman niya masasabi na patay na sa Senado ang Cha-cha, pero hanggang committee report lang muna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *