Zubiri, nakikitang posibleng maratipikahan na ang priority bill na RCEP ngayong buwan

Inaasahan ni Senate President Juan Miguel Zubiri na mararatipikahan ng kapulungan ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), isang mega trade deal na kinabibilangan ng Asia-Pacific nations, kabilang na ang Pilipinas, ngayong buwan.

Ayon kay Zubiri, target nilang matapos sa technical working group ngayong weekend hanggang sa susunod na linggo.

Pagdating naman umano ng Miyerkules, maari na itong maisponsoran sa plenaryo, at matapos ang isang isang ay posible nang pagbotohan ang RCEP.

Paalala ng Senate President, na ito ay isang treaty, kaya kailangan nila ng 16 na boto o two-thirds vote.

Sa gitna nito, kampante ang senador na na makakakuha ng suporta ang naturang treaty mula sa 16 na mga senador, bilang ang agricultural products na top concern ng ilang mga grupo, ay hindi masasaklaw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *