Top Stories

Zubiri, Romualdez, Gesmundo, nakakuha ng matataaas na trust ratings sa OCTA survey

Nakakuha ng higit sa 50% trust ratings si Senate President Juan Miguel Zubiri sa isinagawang Tugon ng Masa survey na inilabas ng OCTA Research group.

Sa survey, tinanong ng OCTA ang mga respondents tungkol sa antas ng kanilang tiwala sa mga matataas na opisyal ng gobyerno sa nakalipas na tatlong buwan.

Si Zubiri ay nakakuha ng trust ratings na 52 percent habang si House Speaker Martin Romualdez naman ay naka kuha ng 38 percent trust ratings.

Sinabi ng OCTA, na sina Zubiri at Romualdez ang nakakuha ng pinakamataas na trust scores mula sa Mindanao na may 66 percent at 55 percent at Class E na may 55 percent at 40 percent.

Samantala, nakuha naman ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang 24 percent trust ratings at nakakuha ng pinakamataas na trust ratings sa Mindanao na 43 percent at Class ABC na 34 percent.

Isinagawa ng OCTA ang pinakahuling survey nito mula October 23 hanggang 27 na may 1,200 adult na respondents sa buong bansa.

PAO, nakakuha ng pinakamataas na rating sa Justice Sector Institution ayon sa resulta ng survey ng SWS

Naka kuha ng pinakamataas na ratings sa Institution at legal professionals sa Justice Sector ang Public attorney’s Office batay sa survey na isinagawa ng Social Weather Station o SWS.

Sinabi ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta , nakuha ng PAO at ng mga abogado nito ang pinakamataas na net trust ratings na +57 at +58 sa Justice Sector sa SWS Survey.

Ang survey ay isinagawa ng Governance in Justice na isang justice reform program na pinondohan ng European Union katuwang ang Philippine government.

Kasama sa survey ang barangay government na may +50; pamahalaang lungsod o bayan, +52; Philippine National Police +47; Supreme Court , +42; trial courts, +40; at ang Integrated Bar of the Philippines o IBP, +41.

Kasabay nito, sinabi ni Acosta na ang mga abogado ng PAO ay nanguna rin sa resulta ng survey na may +58 na ratings sa mga professionals sa Justice Sector ng bansa. Ang mga private lawyers ay nakakuha ng +43 na rating; mga hukom, +37; prosecutors, +35; at pulis, +33.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago