𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗟𝗕𝗔𝗟𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡; 𝗣𝗜𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗘𝗡𝗢𝗥 𝗗𝗘 𝗘𝗗𝗔𝗗, 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡

Maswerteng hindi nagtamo ng malalang sugat ang mga menor-de edad na sakay ng Tamaraw FX na nahulog sa bangin sa Sitio Nawoy, Balantoy, Balbalan, Kalinga.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, walong menor-de-edad na pawing mga high school students ang nakasakay sa nahulog na Tamaraw FX kung saan pito rito ang sugatan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na mabilis umano ang takbo ng sasakyan habang tinatahak ang daan patungong Barangay Pasil hanggang sa makarating ito sa pakurbang bahagi ng daan at hindi nakontrol pa ng 15-anyos na drayber ang manibela.

Dahil dito ay nahulog ang kanilang sasakyan sa bangin na mayroong lalim na 80 meters.

Agad namang narescue ang mga estudyante at ngayo’y nagpapagaling na sa pagamutan habang ang isa nilang kasamahan ay maswerteng hindi nagtamo ng anumang sugat sa katawan.

Patuloy namang nagpaalala ang kapulisan sa mga magulang na huwag hayaang magmaneho ng anumang sasakyan ang kanilangh mga anak na menor-de-edad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *