𝗟𝗜𝗕𝗨-𝗟𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗜𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗠𝗦𝗔𝗠 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗟𝗜𝗩𝗘𝗥𝗬 𝗕𝗢𝗬

Aabot sa 864,000 pesos ang halaga ng nakumpiskang iligal na droga sa isang delivery boy na High Value Target drug personality matapos ang isinagawang anti-illegal drug buy bust operation sa Paitan, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Police Regional Office 2, kinilala ang naaresto na si alyas Jojo, 33-anyos at residente ng Naguilian, Isabela.

Naaresto ito matapos positibong mabili ng operatibang nagpanggap na poseur buyer ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng limang gramo at nagkakahalaga ng P34, 000.

Bukod dito, nasamsam pa mula sa direktang pag-iingat ni alyas Jojo ang tatlong piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu at nagkakahalaga ng P170, 000, limang marijuana bricks na nagkakahalaga ng P600, 000 at iba pang drug paraphernalia.

Sa ngayon ay nasa kustodiya nan g Bayombong Police Station ang naaresto at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *