𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡𝗚𝗜𝗦𝗗𝗔 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗜𝗦 𝗠𝗔𝗚𝗡𝗘𝗚𝗢𝗦𝗬𝗢, 𝗠𝗔𝗔𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗗𝗜𝗪𝗔 𝗙𝗜𝗡𝗔𝗡𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗔𝗦𝗦𝗜𝗦𝗧𝗔𝗡𝗖𝗘

Maaari nang makapag-negosyo ang magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng Kadiwa Financial Assistance Program ng Department of Agriculture Regional Office 2.

Ang mga ma-aaprubahan ang aplikasyon ay makakatanggap ng P500,000 hanggang P1 million na puhunan o makakakuha rin sila ng sasakyang pang-negosyo na nagkakahalaga ng hanggang P1.8 million.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Argie Baquiran ng Agribusiness and Marketing Assistance Division o AMAD ng DA Regional Field Office 2, kinakailangan lamang na magbigay ng 20% counterpart sa halaga ng puhunan ang mga aplikante at ang natitirang 80% ay ipagkakaloob na ng pamahalaan sa kanila.

Sa ngayon, umabot na sa 14 na aplikasyon ang naaprubahan na nagkakahalaga ng kabuuang P21 million kung saan kabilang dito ang ng siyam na Farmers Cooperative at apat na Local Government Unit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *