π— π—šπ—” π—₯π—˜π—¦π—œπ——π—˜π—‘π—§π—˜ π— π—”π—Ÿπ—”π—£π—œπ—§ 𝗦𝗔 π—‘π—”π—‘π—šπ—¬π—”π—₯π—œπ—‘π—š 𝗙𝗒π—₯π—˜π—¦π—§ π—™π—œπ—₯π—˜ 𝗦𝗔 π—¦π—”π—‘π—–π—›π—˜π—­ π— π—œπ—₯𝗔, 𝗑𝗔𝗦𝗔 π—Ÿπ—œπ—šπ—§π—”π—¦ 𝗑𝗔 π—žπ—”π—Ÿπ—”π—šπ—”π—¬π—”π—‘

Kinumpirma ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council na nasa ligtas na kalagayan ang mga residenteng malapit sa pinangyarihan ng magkasunod na forest Fire sa Sanchez Mira.

Una nang inihayag ni MDRRMO-Sanchez Mira Head Jovitor Biado na unang nagkaroon ng forest fire sa kanilang bayan noong biyernes sa Langagan habang naganap naman kahapon ang isa pang sunog sa Sitio Cabayu Barangay Santor at Sitio Tunged, Barangay Magacan.

Sa Barangay Langagan ay umabot sa halos dalawang ektarya ang nasunog kung saan hindi ito napasok ng BFP dahil masukal at matarik ang bundok.

Habang agad namang naapula ang sunog sa Magacan matapos magtulong-tulong ang mga residente, BFP at MDRRMO.

Kasalukuyan pang inaalam ang dahilan o pinagmulan ng magkasunod na forest fire.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *