𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗔 𝗔𝗛𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗞𝗢 𝗔𝗧 𝗦𝗘𝗥𝗩𝗜𝗖𝗘 𝗣𝗥𝗢𝗩𝗜𝗗𝗘𝗥, 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗗𝗨𝗦 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗖𝗔𝗠𝗠𝗘𝗥

Kinumpirma ng Regional Anti-Cybercrime Unit 2 ang bagong modus ngayon ng mga scammer upang makapanloko at makakuha ng pera sa kanilang ga biktima.

Ipinaliwanag ni Regional Anti-Cybercrime Unit 2 Assistant Chief PLt. Col Rovelita Aglipay na gumagamit na ngayon ang mga scammer ng pekeng profile nginit pareho sa lehitimong service provider kung saan sila nagpapanggap bilang ahente at mag-aalok ng assistance sa kanilang bibiktimahin.

Aniya, ang scammer ay magsesend ng notification sa kaniyang biktima at kukunin ang account information maging OTP nito para sa sinasabing verification process.

Nagkaroon na aniya sila ng ganitong kaso kung saan ang nagreklamong biktima ay nawalan umano ng 800 pesos kaya’t naniwala sa inaalok na tulong ng scammer sa paniniwalang maibabalik ang nawalang pera sa kaniyang account ngunit nalimas pa P3,000 nito.

Dahil dito, muling nagpaalala ang otoridad na huwag agad maniniwala sa mga nagpapanggap na ahente ng bangko kundi magtungo na lamang sa kanilang mga opisina upang matugunan ang kanilang problema sa lehitimopng pamamaraan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *