๐Ÿฎ ๐—•๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐——๐—”๐—ก๐—”๐—ก, ๐—ง๐—œ๐—ก๐—จ๐—ง๐—จ๐—ง๐—จ๐—ž๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—จ๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—ž๐—”๐—จ๐—š๐—ก๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—” ๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ง ๐—ก๐—” ๐—•๐—ฆ๐—ž๐—˜

Mahigpit na binabantayan ng Angadanan PNP ang ibaโ€™t ibang barangay sa nasabing munisipalidad sa nalalapit na Barangay at SK Elections (BSKE) na nakatakdang mangyari ngayong ika-30 ng Oktubre.

Ito ay matapos magkaroon ng report na dalawang barangay ang kanilang tinutukan dahil sa mainit na banggaan sa pulitika.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PCapt. Alex Galutera, Deputy Chief of Police ng Angadanan, pinangalanan niya ang Barangay Aniog at Durog sa mga barangay na kanilang binabantayan.

Dahil ito umano sa ma-anomalyang halalan sa mga nagdaang taon at sa mga police blotter na kanilang natatanggap sa kasalukyan na may kaugnayan sa pulitika na siyang rason sa mga maiinit na tagpo sa BSKE sa mga nasabing lugar.

Dagdag pa ni Galutera na lahat naman ng mga Barangay sa Angadanan ay kanilang babantayan lalo pa at ang kanilang assessment sa Peace and Order ng lugar ay โ€œgenerally peacefulโ€.

Paiigtingin din nila ang katahimikan at kaayusan ng lugar sa pamamagitan ng patuloy na police visibility, at police presence lalong lalo na sa gabi.

Hindi rin dito nagtatapos ang kanilang ibaโ€™t ibang programa at aktibidad katulad na lang ng isang outreach program na ginanap sa Barangay Caloocan kamakailan lang, katuwang ang Local Government Unit ng Angadanan at Isabela State University.

Ang Angadanan PNP ay nakatulong sa 180 residente ng nasabing barangay sa pamamagitan ng feeding program, libreng gupit, pamamahagi ng mga ukay-ukay at mga bitamina bilang suporta na rin sa Executive Order 70, National Task Force and Local Communist Armed Conflict.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *