₱1.3 pesos worth of assistance and services naibigay sa Camarines Sur sa nagdaang serbisyo fair

CAMARINES SUR- ₱1.3 Billion pesos ang halaga ng asistensya at serbisyo ng gobyerno ang naibigay sa nagdaang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Camarines Sur.

Ayon kay Rinconada Congressman Migz Villafuerte malaking bagay ito sa publiko dahil 43 na mga National Agencies ang naghatid ng serbisyo mula sa mga farm equipment, scholarships, financial assistance sa mga kooperatiba, small and micro enterprises, Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ,  Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) at marami pang iba.

Ayon kay Villafuerte nabanggit ni Pangulong Marcos Jr na iikot ang programa sa iba pang mga probinsya.

Samantala, sinabi rin ni Atty. Shawn Kemp Capucion ng Office of the Speaker, puwedeng ulitin sa iba pang mga distrito ang programang ito ng National Government.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *