π—•π—¨π—‘π—§π—œπ—¦ 𝗦𝗔 π—¦π—”π—‘π—§π—œπ—”π—šπ—’ π—–π—œπ—§π—¬, π—§π—œπ— π—•π—’π—š 𝗦𝗔 𝗗π—₯π—¨π—š 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗒𝗣𝗦

Timbog sa ikinasang drug buy-bust operation ng Santiago City Police Station One ang walong buwang buntis na babae matapos makumpiska mula sa kaniyang pangangalaga ang mga iligal na droga.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team, hindi na pinangalanan pa ang buntis na nasa 20 taong gulang, at residente ng Calao East, Santiago City.

Sa ulat, hindi naging madali ang operasyon dahil bukod sa buntis ang suspek ay tumagal pa ng halos tatlong oras ang negosasyon bago ito tuluyang sumuko.

Kaugnay nito, nakumpiska ng mga awtoridad sa suspek ang isang libong piso na halaga ng shabu na ginamit bilang buy-bust item.

Nahaharap na ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002 ang suspek na kasalukuyang nasa pangangalaga ng Santiago City Police Office Station One.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *