๐—•๐—จ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—˜๐—ฆ๐— ๐—”๐—ก ๐—”๐—ง ๐—›๐—˜๐—Ÿ๐—ฃ๐—˜๐—ฅ ๐—ก๐—œ๐—ง๐—ข, ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—”๐—•๐—ข๐—ฆ๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—˜๐—•๐—˜๐—ก๐—ง๐—” ๐—ก๐—š ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐——๐—ฅ๐—ข๐—š๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—จ๐—ก๐—š๐—ฆ๐—ข๐—— ๐—ก๐—š ๐—–๐—”๐—จ๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก

Kalaboso ang isang businessman at helper nito matapos maaresto ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation kahapon, November 28, sa National Road, Brgy. San Fermin, Cauayan City.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, kinilala ang businessman na si alyas โ€œRonโ€, 40-anyos at residente ng Brgy. Sinamar Norte, San Mateo; habang ang helper naman ay kinilalang si alyas โ€œAmelโ€, 27-anyos, at residente ng Brgy. 1, San Mateo, Isabela.

Nakumpiska mula sa dalawang lalaki ang isang white plastic cellophane na naglalaman ng marijuana with fruiting tops na may tinatayang timbang na 500 grams na ibinenta ng mga suspek sa pulis na nagpanggap na buyer.

Narekober din mula sa kanila ang apat na cellophane at kulay asul na papel na naglalaman ng mga tuyong dahon ng marijuana na may fruiting tops.

Bukod sa mga marijuana ay nakuha rin mula sa kanilang pangangalaga ang isang genuine na one thousand peso bill; pitong piraso ng tig-1,000 na ginamit na boodle money; mga ID cards; cash na nagkakahalaga ng P660; tatlong cellphone; at ang Nissan NavarraPro4X pick-up na siyang ginamit na sasakyan ng mga suspek.

Ang mga nakumpiskang mga marijuana ay mayroong tinatayang timbang na 2.5 Kilograms kung saan nagkakahalaga ito ng kabuuang P1,500,000.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Cauayan Component City Police Station ang dalawang suspek para sa karagdagang imbestigasyon at tamang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *