𝗖𝗟𝗘𝗔𝗡 𝗧𝗢𝗨𝗥𝗜𝗦𝗧 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗔𝗪𝗔𝗥𝗗 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗔𝗦𝗘𝗔𝗡, 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗕𝗨𝗞 𝗖𝗜𝗧𝗬

Matatanggap ng Tabuk City Kalinga ang parangal na Clean Tourist City mula sa Association of Southeast Asian Nations.

Ayon sa LGU-Tabuk, ito ang kauna-unahang pagkakataon na makatatanggap ang siyudad ng prestihiyosong parangal sa ASEAN Tourism Standards Awards na gaganapin sa Vientiane, Laos PDR sa January 26, 2024.

Inaasahang makatutulong ang nasabing parangal upang makilala internationally ang Tabuk bilang ASEAN clean tourist cities kung saan sila rin ay mapapabilang sa mga ipo-promote ng ASEAN sa kanilang website, forum, festivals at iba pang aktibidades.

Kabilang sa mga dahilan kung bakit napili ang siyudad ay matapos pumasa sa pagsusuri ng ASEAN kung saan kabilang sa criteria ang environmental management, cleanliness, waste management, awareness-building about environmental protection and cleanliness, green spaces, health safety at iba pa.

Samantala, kabilang din na mapaparangalan ang Baguio City na ngayo’y tatlong beses nang nananalo sa kaparehong parangal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *