π—–π—’π—‘π—š. π—œπ—‘π—‘π—’ 𝗗𝗬, π—œπ—‘π—œπ—›π—”π—Ÿπ—”π—Ÿ π—•π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š π—•π—”π—šπ—’π—‘π—š π——π—˜π—£π—¨π—§π—¬ 𝗠𝗔𝗝𝗒π—₯π—œπ—§π—¬ π—Ÿπ—˜π—”π——π—˜π—₯ π—‘π—š π—žπ—”π— π—”π—₯𝗔

Nagpasalamat ang 6th District ng Isabela Representative na si Hon. Faustino β€œInno” Dy V sa pamamagitan ng kaniyang facebook page sa pagbibigay sa kaniya ng tiwala bilang isang Deputy Majority Leader ng House of Representatives o Kamara.

Batay sa kaniyang post, pinasalamatan niya sina Speaker Martin Romualdez, Majority Leader Mannix Dalipe, SDML Sandro Marcos at iba pang bahagi ng liderato na sumuporta ng mga ito.

Aniya, makakaasa ang publiko na triple ang pagpupursige na kaniyang gagawin upang magampanan ang kaniyang tungkulin.

Tiniyak naman ng kongresista na hindi nito pababayaan ang kaniyang distritong nasasakupan sa kabila ng kaniyang responsibilidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *