𝗗𝗘𝗕𝗥𝗜𝗦 𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗢𝗖𝗞𝗘𝗧 𝗡𝗚 𝗖𝗛𝗜𝗡𝗔, 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗠𝗔 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡; 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗗𝗥𝗥𝗠𝗢, 𝗜𝗡𝗔𝗟𝗘𝗥𝗧𝗢

Posibleng umano ang pagtama ng debris ng pinakawalang rocket ng China sa ilang parte ng Cagayan dahil hindi isinasantabi ang posibilidad na pumasok ito sa teritoryo ng Pilipinas.

Dahil dito, inalerto na ng Cagayan Valley Disaster Risk Reduction and Management Council ang lahat ng residente sa Cagayan maging ang bawat MDRRMO.

Ang naturang rocket ship ng China na Long March 7a ay mula sa Wen Chang Spacecraft Launch Site sa Wen Chang, Hainan, China.

Natukoy ng CVDRRMC ang posibleng drop zone ng rocket kung saan tinatayang nasa 47 nautical miles ang layo nito sa Burgos, Ilocos Norte at 37 Nautical Miles naman sa Sta. Ana, Cagayan.

Inihayag naman ng ahensya na hindi nakikita ang posibilidad na bumagsak ito sa kalupaan ng bansa ngunit ang maapektuhan ay ang mga barko, eroplano at maliliit na bangka na posibleng mapinsala kung matamaan ng debri.

Kaugnay dito, pinayuhan ang DOTr at CAAP na maglabas ng Notice to Airmen at magpatupad ng No Fly sa mga nabanggit na apektadong lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *