๐——๐—œ๐—ฅ๐—˜๐—ž๐—ง๐—ข๐—ฅ ๐—ก๐—š โ€œ๐—™๐—œ๐—ฅ๐—˜๐—™๐—Ÿ๐—ฌโ€ ๐—ก๐—” ๐—ก๐—”๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š ๐—•๐—˜๐—ฆ๐—ง ๐—ฃ๐—œ๐—–๐—ง๐—จ๐—ฅ๐—˜ ๐—ฆ๐—” ๐— ๐— ๐—™๐—™ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฏ, ๐—ง๐—จ๐—•๐—ข๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช๐—œ๐—š๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—•๐—˜๐—Ÿ๐—”

Iniaalay ni Direk Zig Dulay ang pagkapanalo ng kaniyang pelikulang โ€œFireflyโ€ sa katatapos na Metro Manila Film Festival 2023 Gabi ng Parangal sa kaniyang ina.

Sa facebook post ng direktor, sinabi nito na para sa kaniyang inang ang โ€œBest Picture Awardโ€ na natanggap ng kaniyang pelikula.

Si Direk Zig ay tubong Santiago City, Isabela kung saan lumaki siya sa pamilya ng mga magsasaka at pang-sampu sa 11 magkakapatid.

Bilang pagbabalik-tanaw sa kaniyang karanasan sa buhay at sa kaniyang pagkabata, nagawa rin ng direktor ang pelikulang โ€œBambantiโ€ kung saan naiuwi rin nito ang Best Film award sa Brussels International Festival of Films at sa Ajyal Youth Film Festival.

Kasama rin niya sa pelikulang โ€œBambantiโ€ si Alessandra De Rossi na isa rin sa casts ng kaniyang entry sa MMFF 2023 na โ€œFireflyโ€.

Si Direk Zig Dulay din ang nasa likod ng award-winning GMA Historical-Fantasy series na “Maria Clara at Ibarra”.

Samantala, bukod sa Best Picture Award, naiuwi rin ng pelikula ang Best Child Performer para kay Euwenn Mikaell, at ang Best Screenplay.

Kaugnay nito, pabiro ring nabanggit ng direktor sa kaniyang acceptance speech sa gabi ng parangal na dadami na ang kanilang sinehan.

Ang Metro Manila Film Festival ay taunang isinasagawa tuwing kapaskuhan upang isulong ang pelikulang Pilipino.

Tatagal ang MMFF 2023 hanggang January 7, 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *