𝗗𝗥𝗔𝗬𝗕𝗘𝗥 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗦𝗔𝗛𝗘𝗥𝗢 𝗡𝗜𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗡𝗧𝗜𝗦, 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗦𝗔𝗟𝗣𝗨𝗞𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗡𝗘𝗛𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗔𝗬𝗦𝗜𝗞𝗘𝗟

Nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang drayber at ang pasahero nito matapos salpukin ng motor ang kanilang sinasakyang traysikel kagabi, December 21, sa kahabaan ng Brgy. Mambabanga, Luna, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team, kinilala ang drayber ng XRM 125 na may side car na si Marc Vincent Royales, 25-anyos, isang graphic artist, at ang pasahero nito na kaniyang asawa na si Joy Mandac, 25-anyos, cashier, at kapwa residente ng Brgy. Ballesteros, Aurora, Isabela.

Samantala, kinilala naman ang drayber ng Single Honda Beat na walang plaka na si Sotero Lucero, 21-anyos, at residente ng Brgy. Harana, Luna, Isabela.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP Luna na parehong tinatahak ng sasakyan ang kalsada mula Cabatuan, Isabela patungo sa Lungsod ng Cauayan.

Pagkarating sa pinangyarihan ng insidente partikular sa may isang Grains Center, dito na aksidenteng nabunggo ng motorsiklo ang likurang bahagi ng traysikel.

Matapos maglagay ng first aide sa mga nasugatan ay isinugod na sila kaagad sa may opsital sa lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Marc Vincent, maayos na ang kalagayan ng kaniyang mag-ina at hinihintay na lamang ang resulta ng ct scan ng asawa nito.

Dinala naman sa himpilan ng Luna PS ang drayber ng motor kasama ang mga sasakyang sangkot sa aksidente para sa imbestigasyon at tamang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *