𝗘𝗠𝗣𝗟𝗘𝗬𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗡𝗥, 𝗧𝗜𝗞𝗟𝗢 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗜𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗜-𝗜𝗡𝗚𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟

Arestado ang isang empleyado ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) matapos ang iligal na pagi-ingat ng baril sa Sitio Monggol, Purok 6, Brgy Babadi, Kayapa, Nueva Vizcaya.

Hindi na pinangalanan pa ang 50-anyos na lalaki nasa kustodiya na ng Kayapa Police Station.

Narekober mula sa kaniya ang isang unit ng Viper 9mm, isang magazine, at anim na live 9mm ammunition.

Mahaharap ngayon ang empleyado sa kasong paglabag sa RA 10591.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *