𝗚𝗨𝗡 𝗕𝗔𝗡 𝗩𝗜𝗢𝗟𝗔𝗧𝗢𝗥𝗦 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡, 𝗠𝗔𝗦 𝗠𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔 𝗞𝗨𝗠𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗡𝗢𝗢𝗡𝗚 𝟮𝟬𝟮𝟮

Kinumpirma ng Police Regional Office 2 na mas mababa ngayong taon ang naitalang mga indibdwal na lumabag sa Comelec gun ban na nagtapos kahapon, November 30, 2023.

Ayon sa datos ng Police Regional Office 2, mayroong pagbaba na 33% ang naitalang gun ban violators ngayong taon o katumbas ito ng 54 violations na binubuo ng 66 na katao.

Matatandaang noong nakaraang taon sa National and Local Elections 2022.  ay naitala ang 81 gun ban violations kung saan binubuo ito ng 97 na katao.

Bumaba rin ang nakumpiskang mga baril mula sa 78 hanggang sa 34 na lamang ngayong taon.

Bukod dito, wala ring naitalang Election related incident ayon sa Regional Election Monitoring Action Center.

Naging maayos rin at payapa ang implementasyon ng mga checkpoints at maximum deployment ng mga miyembro ng PNP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *