𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗣𝟴𝟬𝗞 𝗡𝗔 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗜𝗟𝗜𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗣𝗨𝗧𝗢𝗞 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗞𝗨𝗠𝗣𝗜𝗦𝗞𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗪𝗧𝗢𝗥𝗜𝗗𝗔𝗗, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗥𝗔𝗜𝗡 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗔𝗥𝗔𝗪

Nakatakdang sirain ng mga awtoridad ngayong araw, January 5, ang nasa P80,807 na halaga ng mga iligal na paputok na kanilang nakumpiska sa Lambak ng Cagayan sa naging pagsalubong sa bagong taon.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team, aabot sa 14,672 na mga iligal na paputok ang nakumpiska ng Police Regional Office (PRO2) at Bureau of Fire Protection (BFP) R02 mula December 27, 2023 hanggang January 4, 2024.

Ilan nga sa mga paputok na kanilang nakuha ay ang giant bawang, kwitis, boga, five star, at giant whistle bomb na ipinagbabawal na ibenta sa merkado.

Ang mga paputok na sinira ngayong araw ay ang ikalawang batch na nakumpiska ng mga awtoridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *