𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟮,𝟬𝟬𝟬 𝗡𝗔 𝗣𝗜𝗥𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗜𝗟𝗜𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗣𝗨𝗧𝗢𝗞, 𝗦𝗜𝗡𝗜𝗥𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝟮

Sinira ng Police Regional Office 2 katuwang ang BFP-Tuguegarao ang nasa 2,485 na piraso ng mga sari-saring iligal na paputok.

Tinatayang aabot sa P31,121 ang halaga ng mga sinirang paputok na nakumpiska ng mga awtoridad sa iba’t ibang lugar sa Lambak ng Cagayan.

Nangunguna sa listahan ng mga nakumpiska ay ang PopPop na umaabot sa mahigit 400 na piraso.

Kaugnay nito, patuloy naman ang isinasagawang mga monitoring at inspection ng mga kapulisan upang matiyak na walang makakalusot na ilegal na paputok at magiging ligtas ang pagsalubong ng bagong taon.

Tatagal naman ang ‘Oplan Ligtas Paskuhan 2023’ ng mga pulis hanggang sa January 2, 2024.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *