๐—œ๐—•๐—”โ€™๐—ง ๐—œ๐—•๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—ฃ๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—•๐—˜๐—Ÿ๐—”, ๐—ก๐—”๐—ž๐—œ๐—•๐—”๐—›๐—”๐—š๐—œ ๐—ฆ๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฏ๐Ÿฒ,๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ง๐—ฅ๐—˜๐—˜๐—ฆ: ๐—” ๐—–๐—›๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐— ๐—”๐—ฆ ๐—š๐—œ๐—™๐—ง ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—–๐—›๐—œ๐—Ÿ๐——๐—ฅ๐—˜๐—ก ๐—ก๐—š ๐——๐—˜๐—ฃ๐—˜๐——

Nilahukan ng ibaโ€™t ibang paaralan sa Lalawigan ng Isabela ang 236,000 Trees: A Christmas Gift For Children Project ng Department of Education (DepEd) ngayong araw, December 6.

Isa na rito ang Alicia National High School (ANHS) kung saan na 20 estudyante sa High School kasama ang mga selected na teaching staff ang nagsama-sama para sa isinagawang tree planting sa Barangay Bliss, Paddad, Alicia, Isabela.

Tulong-tulong din ang mga estudyante at mga guro sa Rizal Region National High School, mula pa rin sa Bayan ng Alicia upang itanim ang mga seedlings ng calamansi, duhat, makopa, at mangga sa vicinity ng kanilang paaralan.

Samantala, nagsanib-pwersa naman ang 30 katao sa San Jose National High School (SJNHS) sa bayan ng Mallig sa naturang aktibidad at hinikayat din nila ang kanilang mga mag-aaral na magtanim sa kani-kanilang mga bakura.

Ang naturang proyekto ay base sa inilabas na Deped Memorandum No. 69 s. 2023 kung saan naglalayon itong mapangalagaan an gating kapaligiran at imulat ang mga mata ng mga mag-aaral sa kanilang responsibilidad sa lipunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *