𝗜𝗠𝗕𝗘𝗦𝗧𝗜𝗚𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗞𝗔𝗨𝗚𝗡𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗪𝗔𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗥𝗢𝗣𝗟𝗔𝗡𝗢, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬; 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗞𝗜𝗟𝗔𝗡𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗔𝗛𝗘𝗥𝗢, 𝗡𝗔𝗧𝗨𝗞𝗢𝗬 𝗡𝗔!

Inilabas na ng mga awtoridad ang bidyo ng naging paggalaw ng Cyclone Aircraft na may tail number RP-C 1234 na naiulat na nawawala matapos itong umalis kahapon ng umaga, November 30, mula sa Cauayan City Airport papuntang Palanan Airport.

Ang naturang eroplano ay may sakay na dalawang pasahero kabilang na ang piloto.

Base sa bidyo mula sa Flight Radar App na siyang ginamit na pang-track sa nawawalang eroplano, napagalaman na huli itong na-detect sa may kabundukan na bahagi ng San Mariano, Isabela at tinatayang nasa 14 kilometers ang layo mula sa Barangay Casala.

Sa kasalukuyan ay nagpupulong na ang binuong Incident Command Team kasama ang Tactical Operations Group 2 (TOG2) para malaman kung ano ang kanilang susunod na gagawin para mahanap ang nawawalang eroplano.

Samantala, natukoy na rin ang isang pasahero ng eroplano. Kinilala ito na si Erma Escalante, 43-anyos na isang Barangay Health Worker.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, halos isang linggo namalagi si Escalante sa lungsod ng Cauayan upang kumonsulta sa doktor kaugnay sa kaniyang mga iniindang karamdaman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *