𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘, 𝗪𝗔𝗟𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗧𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗪𝗔𝗟𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗡𝗘𝗨𝗠𝗢𝗡𝗜𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡; 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔-𝗕𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔, 𝗜𝗠𝗜𝗡𝗨𝗠𝗨𝗡𝗚𝗞𝗔𝗛𝗜

Wala pang naitatalang kaso ng walking pneumonia sa lalawigan ng Isabela subalit hindi nawawala sa top 3 ang regular pneumonia sa listahan ng mga cases ng morbidity at confinement sa mga opsital.

Sa ekslusibong panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Ginang Chamille Claravall ng Isabela Provincial Health Office (IPHO), Marami aniyang mga sakit ang nakukuha sa ubo at mga droplets kaya panatilihin ang ibayong pag-iingat.

Kaugnay nito, hinihikayat naman niya ang publiko na magpa-bakuha kontra pneumonia sapagkat kasama ito sa mga preventable diseases.

Maaaring mag-avail ng vaccine sa mga Rural Health Units (RHU) sa bawat barangay kung saan prayoridad dito ang mga Senior Citizen.

Aniya, mga bata ang prone o at risk na mahawaan ng mga gantong sakit kaya nararapat lang na mabigyan sila ng mga bakuna.

Wala namang bayad ang naturang vaccine.

Samantala, inabisuhan naman ng IPHO ang publiko na proteksiyonan ang mga sarili at mga kasama sa bahay sa pamamagitan ng pagsusuot ng facemask.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *