𝗜𝗦𝗢 𝟵𝟬𝟬𝟭:𝟮𝟬𝟭𝟱 𝗖𝗘𝗥𝗧𝗜𝗙𝗜𝗖𝗔𝗧𝗘, 𝗜𝗚𝗜𝗡𝗔𝗪𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗖𝗛𝗜𝗘𝗙 𝗣𝗡𝗣 𝗦𝗔 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘 𝟮

Personal na tinanggap ni Police Regional Office 2 (PRO2) Director Police Brigadier General Christopher C Birung ang ISO 9001:2015 Certificate ng PRO2 kaninang umaga, January 08, sa PNP National Headquarters.

Mismong si PNP Chief Police General Benjamin C Acorda Jr. ang naggawad ng sertipikasyon kasabay ng flag raising and awarding ceremony.

Ayon kay RD PBGen. Birung, ang ISO certificate ay isang katibayan na ang PRO2 ay patuloy na sumusunod sa lahat ng mga requirements for standardization sa international, national at organizational benchmarks.

Resulta rin aniya ito ng genuine commitment ng lahat ng mga kapulisan sa buong lambak ng Cagayan.

Samantala, bukod kay RD Birung, tinanggap din nina Police Colonel Julio S Gorospe Jr., Provincial Director Cagayan Police Provincial Office, at Police Lieutenant Colonel Richard R Gatan, Chief of Police, Tuguegarao Component City Police Station ang kani-kanilang mga ISO certificates.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *