𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗕𝗜𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗡𝗔𝗡𝗔𝗞𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗨𝗡𝗗𝗘𝗥𝗪𝗘𝗔𝗥 𝗧𝗨𝗪𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗡𝗚

Huli ang isang lalaki sa Barangay District 1, Cauayan City matapos mabistong nagnanakaw ng underwear ng kaniyang mga kapitbahay na babae.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, nabisto umano ang lalaki sa kaniyang ginagawang pagnanakaw ng underwear kung saan itinatago niya ito sa kaniyang bahay.

Isinasagawa umano ng hindi na pinangalanang lalaki ang pagnanakaw ng underwear kapag nasa impluwensya ito ng nakalalasing na inumin kung saan umabot ng ilang sako ang kaniyang nakolekta.

Ilan umano sa mga nanakaw na underwear ay nakita pang ginagamit sa kusina.

Samantala, nakiusap naman ang isa sa kapatid ng lalaki na huwag na itong sampahan ng kaso at iuuwi na lamang ito sa kaniyang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *