𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗧𝗨𝗚𝗨𝗘𝗚𝗔𝗥𝗔𝗢 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗦

Timbog ang isang lalaking tinaguriang Street Level Individual matapos ang isinagawang anti-illegal drug buy bust operation ng kapulisan sa Atulayan Norte, Tuguegarao City, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Police Regional Office 2, kinilala ang naaresto na si alyas Momoy.

Nakumpiska mula rito ang humigit kumulang tatlong gramo ng hinihinalang shabu na mayroong standard drug price na P20, 400.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP Tuguegarao ang naaresto at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *