𝗟𝗚𝗨 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗞𝗔𝗬𝗔𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗟𝗜 𝗦𝗔 𝗦𝗘𝗔𝗥𝗖𝗛 𝗙𝗢𝗥 𝗧𝗢𝗣 𝟭𝟬 𝗢𝗨𝗧𝗦𝗧𝗔𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗘Ñ𝗢𝗦 – 𝗬𝗢𝗨𝗡𝗚 𝗦𝗗𝗚 𝗛𝗘𝗥𝗢𝗘𝗦

Hindi maaaring sumali ang mga Sangguniang Kabataan officials at miyembro ng sa City Youth Development Council sa Search For Top 10 Outstanding Kabataang Cauayeños – Young SDG Heroes.

Ayon sa Local Government Unit ng Cauayan City, ang mga finalist noong nakaraang taon na hindi napabilang na mabigyan ng parangal ay maaaring sumali ngayong taon.

Kwalipikado dito ang mga kabataang residente ng lunsod at may edad 15 hanggang 30 bago mag November 15, 2023 at dapat isinusulong ang anuman sa 17 United Nations  Sustainable Development Goals (UN SDGs) kung saan mayroong naring proyektong natapos hinggil dito.

Kaugnay dito, dapat ang lalahok ay walang anumang criminal record o disciplinary case sa paaralan at barangay, at hindi pa na-convict ng anumang klaseng krimen.

Lahat ng mga nomination forms ay kailangang ipasa sa Local Youth Development Office hanggang November 10, 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *