𝗟𝗚𝗨 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗜𝗬𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗞𝗢𝗠𝗨𝗡𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗥𝗜𝗔𝗡

Naki-isa ang Local Government Unit ng Cauayan City sa pagtiyak ng safe spaces sa lahat ng kasarian kasabay ng isinasagawang 18 – Day Campaign to End Violence Against Women.

Inihayag ni Cauayan City Mayor Ceasar Dy Jr. na isa sa kaniyang hangarin ang maibigat ang ligtas na komunidad sa lahat.

Aniya, ito ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga partner-agencies at iba pang service providers.

Bukod dito, tiniyak nito ang pagpapalakas ng information drive sa pamamagitan ng mga IEC materials at local language seminars.

Hinimok ng alkalde ang lahat na maging parte sa pagtiyak ng kaligtasan ng mga kababaihan, kalalakihan at mga miyembro ng LGBTQIA+ sa kalsada, pampublikong lugar, trabaho, paaralan at maging sa cyber space.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *