𝗟𝗜𝗕𝗨-𝗟𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚

Nasabat sa isang Street Level Individual ang P14,000 na halaga ng shabu matapos ang isinagawang anti-illegal drug buy bust operation ng kapulisan sa Caggay, Tuguegarao City, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Police Regional Office 2, kinilala ang naresto na si alyas Ara, 40-anyos at residente sa naturang lugar.

Nasamsam mula rito ang isang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng dalawang gramo at nagkakahalaga ng P14,000.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Tuguegarao City Component Police Station ang naaresto at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *